Monday, November 12, 2012

Hallyu Generation

Isabella O. Gonzales
IV-7
Nobyembre 12, 2012


Kilala mo ba si Psy, ang Super Junior o di kaya ang Girls Generation? Ilan lamang sila sa mga sikat na artista ng Korea o di kaya 'ambassadors of Korean Pop & Hallyu'. Ang Hallyu Korean Wave ay ang pagtaas ng popularidad ng South Korean entertainment at ng kultura nito sa iba't ibang bahagi ng mundo. Nagsimula ito sa Asya noong 1990s sa mga bansang Tsina at Hapon. at mula noon, tuloy-tuloy na rin ang paglaganap nito sa iba't ibang bahagi ng Asya at pati na rin nga buong mundo. Ngunit, paano nga ba ito sumikat sa ating bansa? 

Nagsimula ang Hallyu Wave sa Pilipinas noong unang narinig ng mga Pinoy ang kanta ng Wonder Girls na 'Nobody' sa taong 2009. Sinasabi na ito ay isa sa mga kilalang-kila na kanta kasama na rin dito ang Sorry, Sorry ng Super Junior (2009) pati na rin ang kanta ni Psy na Gangnam Style (2012). Ang mga kantang ito ay nagkakaroon ng ilang pagkakatulad gaya ng ganda ng tunog, at ang kawili-wiling sayaw na kasabay nito. Maari mo rin sabihin na ito ang dahilan kung bakit ako'y naging isang fangirl ng K-Pop.


Isa sa mga hinahangaan na grupo ay ang Girls Generation ( 소녀시대 ) na mayroong siyam na miyembro. Sila ay sina Taeyeon, Jessica, Tiffany, Sunny, Yuri, Hyoyeon, Sooyoung, Yoona, at si Seohyun. Una silang lumbas sa industria noong 2007 sa kantang 'Into the New World', ngunit hindi ito ang nagpasikat sa grupo. Sumikat lamang sila pagkatapos ng dalawang tao sa kanilang mga kanta na Gee at Genie; mula noon, nakamit na nila ang titlo na 'Queens of Hallyu'. Ito ay dahil sa kanilang patuloy-tuloy na panalo sa mga Asyanong award show kagaya ng Mnet Asian Music Awards (MAMA), Golden Disk Awards, at Melon Music Awards. 

Para sa'kin, sila na rin ang mga naging modelo ko bilang isang mangaawit at isang indibidual sa dahilan na sila ay mapagkumbaba pa rin sa kabila ng kanilang kantyagan. Hindi rin sila limitado sa kanilang ganda at galing sa pagpapalabas dahil sa mga variety show na kanilang mga sinalihan. Naipakita nila ang kanilang talino at katuhan sa mga ito at masasabi mo rin na sila'y beauty & brains. Sa mga palabas nito pinatunayan nila na talagang dapat sila'y aking hangaan. Ipinapahalagahaan nila ang oportunidad na sila'y isang mangaawit at gamit ito nagbibigay sila nga kamalayan sa importansya ng iba't ibang bagay sa buhay. Ilan dito ang pag-aaral, ang pagayos ng sarili at ang pakakaroon ng tiwala sa sarili at sa kanilang kakayahan bilang isang indibidual. 

Naniniwala ako na sa mga susunod na taon ay mas lalong makilkila ang galing ng Girls Generation at mas mapapatuwa nila ang kanilang mga Sone ( fan name ). Sila ay patuloy na mabibigay ng insipirasyon at lakas para sa mga magiging tagapaghanga nila. Sana ay patuloy nila akong mapamangha sa kanilang galing at katauhan dahil hindi ko man malilimutan ang mga magagandang bagay na nagawa nila para sa'kin. Hindi ko rin malilimutan ang pagiging Sone ko. 

Sunday, November 11, 2012

Tahimik na Mundo

Katrina Labao
IV-7
Nobyembre 11, 2012

Ngayon, habang nakaharap sa kompyuter, nag-iisip ako ng pwedeng isulat para sa aking takdang-aralin.  Wala pang magandang ideya ang pumapasok. Kung saan-saan na ako tumitingin para makahugot ng inspirasyon sa pagsulat. Pero ano ba ang nakikita ko? Itong cellphone ko, ang laptop, ang earphones ay nakalatag sa paanan ng kama ko at ang webcam na nasa likod ng laptop. Nakapatong din ang iPod at ang teleponong walang kurdon sa asul kong kama. Napansin ko, ang gulo pala ng kwarto ko... at napakatahimik. Ngayon, nakikinig na ako ng musika habang nag-iisip pa rin. Ilang kanta na ang napakinggan ko, wala pa ako sa ikalawang talata. Naka-type na ako ng maikling panimula ngunit, ito'y binubura ko agad. Siguro hindi ko lang oras na mag-isip? Bakit ba mahirap mag-isip? Siguro mamaya pa darating ang pinakamagandang ideya! Naglaro muna ako ng mga online games at nakipag-chat sa mga kaibigan ko. Ang oras ay biglang tumakbo ng mabilis.
          Dumilat na ang mga mata ko pagkatapos ng apat na oras. Itim na ang screen ng laptop at naghihintay lang. Inurong ko ng konti ang mouse at biglang lumiwanag at lumabas ang blankong sulatin ko. Nagdaan ang mga minuto pero wala! Wala pa ang magandang ideya ko! Muli, ako'y lumingon-lingon. Tiningnan ko ang buong kwarto ko at nagsawa rin ako agad. Lumabas ako, nalibot ko na ang buong bahay at para sa akin, ang pinakainteresadong pwedeng isulat ay ang hardin namin sa may garahe. Ang matamis na loob ng santang pula, ang mga munting bulaklak ng isang matinik na halaman, ang ampalaya na umiikot sa manipis na malunggay ay pwede kong pag-usapan sa sanysay ko! Dali-dali akong tumakbo pataas para magsimula na sa paglarawan ng hardin.
          Nasa loob na ako ng malamig na kwarto pero napatigil ako. Parang may kulang. Nakabukas naman ang airconditioner at ang aking laptop. Naiwan kong tumutugtog ang iPod ko pero... ano bang kulang? Ganito rin naman ang kwarto ko bago ko iniwan. Ganito katahimik naman talaga...
          Ang mundo ngayon ay punong-puno na ng gadgets. Hindi maiiwasan na magkaroon ng iba't-ibang gamit sa bahay. May ibang bahay na dalawa ang telebisyon at may ibang bahay na anim ang kanilang laptop o kompyuter. Kahit mahirap ang buhay, halos lahat na ng tao ay mayroong gadgets. Ito na ang panahon ng teknolohiya. Ito na ang panimula ko, itong aking napagtanto. Bigla kong napansin na ang teknolohiya ang umaagaw na sa ating buhay. Hindi na natin siguro napapansin ang ibang mga bagay.  Halos lahat ng tao ay tahimik na dahil puno na ang mga utak at schedule nila. Hindi naman sa sinisisi ko ang pagdating ng mga gadgets na ito pero iba na ang panahon. Kung dati, uso pa ang maglaro ng patintero at luksong tinik, itong mga larong ito'y napalitan na. Dumating ang gameboy at Counter Strike na napalitan na ng DOTA at ngayon, usong-uso na ang mga online games na galing Facebook. Sa susunod na taon, palagay ko, madadagdagan pa ang mga gadgets na meron na ngayon. At hanggang sa kinabukasan, na dumating ang araw na iyon, mananatiling ganito katahimik muna ang mundo.



Friday, November 9, 2012

Baro't Masaya?


Roselle A. Enriquez
IV-7
    Nobyembre 9, 2012                                                         

   Labing limang taon na ang nakalipas nang ako’y ipinanganak at unti-unti kong nakikita ang pagbabago ng pananamit ng mga tao, lalung-lalo na ang mga Pilipino, at ang kanilang pagtingin sa mga tatak ng damit na kanilang isinusuot. Naimpluwensyahan na ng iba’t-ibang bansa, tulad ng Estados Unidos at Inglatera,  ang pananamit ng mga Pilipino.

 Ang pinaka-maimpluwensyang dahilan sa pagbabagong ito ay ang Internet. Karamihan sa mga Pilipino’y mayroong computer at internet kaya araw-araw ay ginagamit ito. Sa teknolohiyang ito mayroong iba’t-ibang website kung saan ‘fashion’ ang nangingibabaw na paksa, tulad ng Tumblr o Pinterest. Sa mga site na ito pinapakita ang mga usong damit at sapatos. Ngayong taon nauso ang mga crop tops at ombre shirts na pwedeng gawin gawin kahit mag-isa ka lang. Nauso rin ang denim shirt at sheer blouse dahil sa kakaiba nitong istilo at maganda iyong tignan kung ano pa man ang ipares doon.
  Mayroon ding mga high-waisted shorts at printed pants na makulay at pwedeng dagdagan ng mga detalye depende sa may-ari. Nauso rin ang detachable collar at studded blouses na nakapagpapaganda sa istilo ng ating pananamit.  
  Mayroon ding mga varsity jackets at pastel colored na mga damit dahil maganda iyon tignan sa mata at nakapagpapadagdag ng ‘style’ sa pananamit ng tao.
      Ang sumunod na dahilan naman ng pagbabagong ito ay ang mga malls sa Pilipinas. Sa mga mall makikita ang mga sikat na bilihan ng mga damit na mula sa ibang bansa at sa sarili nating bayan. Usong-uso sa mga kabataan ngayon ang Forever 21, Zara, Mango, Cotton On, Bench, Penshoppe at iba pang kilalang tatak na nagpapakita ng panibagon desenyo at istilo ng pananamit. Ang mga tatak na ito’y nakapagpapasaya sa mga mamimili dahil sa ganda ng disenyo ngunit ang iba’y namamahalan sa mga ito dahil minsan nga nama’y hindi praktikal ang presyo ng damit dito.           
  Ang personalidad ng tao’y makikita rin sa pananamit nila. Kaya’t maraming usong istilo ng pananamit dahil ang isang tao’y nakikita ang sarili nila sa mga damit na ito. Minsan nga’y may nakikkita akong mga babaeng naka-short shorts o kaya’y mga lalakeng nakasando at shorts lang kahit nasa labas kaya’t mapapaisip nalang ako, “Ganyan na ba ang henerasyon namin ngayon? Bakit sila ganyan manamit?"

Wednesday, November 7, 2012

Ang Mga Litrato

    Ma. Samantha M. Madriñan
    IV-7
    Nobyembre 7, 2012

   Sa bawat lugar na ating napuntahan, may mga pangyayari na sadyang hindi natin malilimutan. Kahit ito man ay masaya o malungkot, minsan hindi natin maiwasan na balik-balikan. Sa pamamagitan ng mga litrato naaalala natin ang mga mahahalagang pangyayari sa ating buhay. Ngayon, hilig talaga ng mga tao ang kumuha ng mga litrato. Kadalasan, makikita natin ito sa mga iba't-ibang social networking sites. Ngunit alam mo ba na ang photography ay isa ring paraan upang maipahiwatig ang ating damdamin? May ibang tao na nailalabas ang kanilang saloobin sa pamamagitan ng pagkuha  ng mga litrato. Ang pagkuha ng mga makukulay na bagay ay nangangahulugan ng kasiyahan habang ang pagkuha ng mga  madidilim na lugar ay nangangahulugan na ang tao ay malungkot.


     Ako ay isa sa mga tao na mas nailalabas ang aking saloobin sa pamamagitan ng pagkuha ng mga litrato. Bata pa lang ako at mahilig na ako sa photography. Sa tingin ko ay nakagisnan ko na ang paglabas ng aking damdamin sa paraang ito.  Alam mo ba na ang litrato na may ferris wheel ay pinicturan ko? Sa paningin ng iba ay ito ay isang simpleng ferris wheel pero sa akin, hindi. Pag nakikita ko ito, naaalala ko ang mga masasayang pangyayari sa araw na iyon. Minsan pag may nararamdaman ako na hindi ko kayang sabihin, makikita mo ako na naglilitrato ng mga bagay-bagay. Sa ganitong paraan, mas naiintindihan ko ang aking nararamdaman at nakakahanap din ako ng katahimikan sa aking sarili.
                      Maraming tao -bata man o matanda ang sumasali sa iba't-ibang workshops upang madagdagan ang kanilang kaalaman sa photography. Sa tingin din nila na ang photography ay isang talento o hindi kaya isa lamang libangan. Nauuso na rin ngayon ang pagkakaroon ng mga exhibits at ang paggawa ng mga websites kung saan naipapamalas nila ang kanilang galing sa photography. Sina Richard Yulo at si Christoph grandt ay isa lamang sa mga Pilipino na may websites upang maipahiwatig sa iba ang kanilang kakayahan sa photography.
   
 Lahat tayo ay may iba't-ibang paraan upang maipahiwatig ang ating sarili. Ang mga ibang paraan ay ang pagpinta, pagtugtog ng mga instumento, pagsulat ng istorya, tula at marami pang iba. May istorya ang bawat litrato na ating kinukuha. Ito ay hindi basta-basta lang mga simpleng litrato. Iba-iba rin ang ating perspektibo sa photography. Ang tingin ng iba ay isa lamang itong paraan ng pagpapahiwatig ng damdamin, isang libangan, isang talento o hindi kaya ito lamang ay nagsisilbing alaala sa mga mahahalagang pangyayari sa ating buhay. Gayunpaman, sadyang hindi mawawala sa atin ang mangolekta ng mga ito.

Tuesday, November 6, 2012

Ang Teknolohiya Ng Ika-21 Na Siglo

Alyssa Marie V. Llanes
IV-7
Nobyembre 7, 2012

   Nakuha mo na ba ang latest model at iOS ng iPhone at iPad? O kaya naman ang latest version ng Windows? Sa mga nakaraan na taon, ito na ang palaging pinagkakaguluhan ng mga tao dito sa Pinas. Pagkalabas ng bagong model ng isang iPhone, bibilhin nila kaagad dahil iyon ang uso. Kahit na ang pagbabago lang sa bagong bersyon ay ang kahabaan nito o ang kanipisan nito. Pero, kahit na sa pisikal na aspeto iyon lang ang pagkakaiba, may iba paring nabago sa mga ito, dahil ang bagong bersyon ay inayos ng mga taga-gawa ng iPhone upang pabutihin pa ang produktong kanilang ginagawa. Hindi lang iyon nangyayari sa mga telepono pero kahit sa mga kompyuter nangyayari iyon, ang pinaka sikat na OS sa kompyuter ay ang Windows, ito ay nagsimula sa bersyon na Windows 1.0, pero ngayon, meron nang Windows 8, kung ikokompara mo ang pinaka unang bersyon sa bersyon ngayon, malaki ang pinagbago ng Windows. 

   Kung hindi man mga telepono o kompyuter, mayroong galing sa mga pelikula ng Hollywood tulad ng Avatar, Transformers, The Avengers, Iron Man at iba pa. Ito ay pinagkakaguluhan ng mga tao sa buong mundo dahil kakaiba ang mga nilalaman ng ng pelikula, kumbaga, out of this world. At, hindi lang iyon, nakakaaliw din ito sa mga tao dahil sa mga visual effects na kanilang ginagamit. Tulad ng mga green screen kung saan pwede kang mag edit at maglagay ng mga special effects sa pelikula. Halos lahat ng mga pelikulang galing Hollywood ay mayroong mga special effects na tinatawag upang ipakita ang mga eksena na  hindi mo makikita sa totoong buhay, futuristic o kunyari na sa labas ng planeta tulad ng Iron Sky kung saan nasa dark side of the moon ang mga Nazi. O kaya naman parang mga apocalypse tulad ng 2012 kung saan ipinakita ang katapusan ng mundo, may mga lindol, hurricane, mga nahuhulog na mga landmarks tulad ng Statue of Liberty sa The Day After Tomorrow. 

   Hindi lang sa mga pelikula o sa mga telepono at kompyuter umaangat ang teknolohiya, pati narin sa mga klase ng transportasyon at kung ano-ano pa. Kung dati sobrang bagal o sobrang low tech ng mga kotse dito sa Pinas, ngayon malaki na ang mga pinagbago! Ang iba sa mga kotse dito ay automatic, di lang sa pag mamaneho, kahit ang mga pintuan at mga bintana ay automatic. Ang mga bagong modelo ngayon ng mga kotse ay mas madaling gamitin at mas mabilis, pero hindi lahat ay nagtatagal. Marami ding mga kotse na kahit bago pa lang ay marami nang sira, kaya magastos din. Pero hindi lang naman sa mga kotse naka ikot ang mga transportasyon, meron ding mga eruplano na may mga telebisyon na nakalagay para sa mga malalayong mga biyahe. Sa mga super markets o mga mall dito at sa ibang bansa, halos lahat ng mga pintuan ay automatic na din, may mga sensor na ginagamit upang tignan kung may dadaan bang tao o wala. Mayroon ding mga airconditioners na ginagamit ng mga tao lalung-lalo na dito sa Pilipinas dahil mainit ang panahon. May isang ginawa ang mga tao sa Europa--ang Life Straw kung saan pwede kang uminom sa kahit anong parte ng tubig. Ang Life Straw ay nag fifilter ng tubig upang maging sigurado na malinis ang tubig na iinumin.

   Ito siguro ang pinaka malaking ginawa ng mga tao dito sa ika-21 na siglo--ang internet. Dahil dito pwede ka nang makipag-usap sa mga minamahal mo kahit anong oras. Kung dati, kailangan mong gumamit ng telepono o text para lang makausap sila, ngayon mayroon nang mga social networking sites tulad ng Facebook, Skype, Friendster, Multiply at iba pa kung saan pwede kayong mag video-chat at mag-chat.  Dahil din sa internet, pwede ka nang mag-hanap ng mga kailangan mo gamit ng mga search engines tulad ng Google, Bing, Yahoo! at iba pa. Hindi mo na kailangang maghanap ng impormasyon sa mga libro dahil nasa internet na lahat at updated pa. 

Lapis At Papel


Janessa A. Orduña
IV-7
Nobyembre 7, 2012


   Gusto mo ba maging maganda sa isang napakadaling paraan? Nais malaman ang nauusong pananamit ngayon at maging kanais-nais na mapansin? Halika na at sabay nating tuklasin ang buhay ni Laureen Uy--isang sikat na celebrity stylist, fashion blogger, at designer-- tiyak na ang iyong ninanais ay matutupad! Si Laureen Uy ay isa sa aking mga inspirasyon upang maging sikat na fashion designer at ang pangarap na ito ay maibabahagi ko sainyo sa pamamagitan ng blog na ito. 

Para sa akin ang pananamit ay isang paraan para maipahayag ang iyong nararamdaman. Ito din ay isang paraan para sa mga iba upang malaman kung ano ang uri ng tao dahil ito ay kumakatawan sa iyong personalidad. Ngunit sa damit-upang-mapabilib ay hindi lamang para sa mga tao na nakakaalam ng tungkol sa fashion, minsan kailangan mo lang sundin ang iyong puso upang makahanap ng isang sangkap na nais mong ibigin na isuot para sa isang araw. 

  Alam naman natin lahat na noong mga bata pa ang mga kababaihan naglalaro tayo ng mga manika ng Barbie. Kung saan maghahanap ka ng isang sangkap ng damit na isusuot mo sa manika mo. Sa ganoong paraan ako lumaki upang maging hilig ko na ang fashion, habang ako ay lumalaki natututunan ko na rin na magdrawing ng mga figures at ng mga kasuotan na gusto ko, at sa paraan na ito ay aking naibabahagi sa mga mahal ko sa buhay ang mga talento ko.

Si Laureen Uy ay isa sa aking mga itinitingala pagdating sa fashion. Napakahusay niyang manamit at kahit ang simpleng mga bagay ay nagagawa niyang kagara-gara. Sa pamamagitan nang mga natututunan ko sakanya, ang aking mga kaalaman tungkol sa fashion ay mas nagiging malawak at ako ay pursigido pang matuto upang maging isang sikat na fashion icon at kung papalarin ay maging isang modelo rin.

Musika, Musiko, Musi...nating Lahat!

Ysa Macapagal
IV-7
Nobyembre 7, 2012




                  Ano ang paborito mong kanta? Kung ako ang tatanungin ay talagang mhihirapan ako sumagot. Sa panahon ngayon, ang dami-daming uri ng kanta at mahirap talgang pumili ng isang paborito lamang. Mayroong iba't ibang uri ng kanta katulad ng rock, pop, hip-hop, at marami pang iba. 

                 Maraming mga sikat na singer o banda ngayong panahon. Katulad nalang ng One Direction na kinababaliwan ng maraming babae at syempre, kinababaliwan ko rin. Talaga naman napaka-gwapo ng mga nasa grupong ito na binubuo ni Harry Styles, Louis Tomlinson,  Niall Horan, Zayn Malik at Liam Payne. Kung hindi niyo sila kilala, huwag niyo nang i-research at kilalanin pa dahil baka agawan niyo pa ako. Patawad talaga kung medyo may pagka-madamot ako, ayoko lang talaga ng mga feeling fan girls *tawa* biro lang po mga repapips. Pis awt!

                 Sa totoo lang ay gusto ko lang talaga ibigay ang isang talata para pag-usapan ang One Direction. Dahil diyan, ipagpapatuloy ko na ang talagang paksa ng aking blog. Maliban sa One Direction, marami pang ibang maaaring pakinggan katulad ni Justin Bieber, Ed Sheeran, Nicki Minaj, Lady Gaga, Katy Perry, Taylor Swift at wow ang dami talaga!!! Maaari niyo rin pakinggan ang mga banda tulad ng Maroon 5, The Script, Foster The People, MGMT, atbp. Ako naman ay may pagka-kakaiba pagdating sa banda dahil nakikinig din ako sa Nirvana, Incubus, Blink 182 at marami pa. Kapag sinasabi ko sa mga tao na sila ang pinapakinggan ko, parang hindi nila alam ang mga kantang tinutugtog ng mga bandang iyon at ako pa ang lumalabas na weirdo. Pambihira.

                Marami pa talagang magagaling na pwede ninyong pakinggan pero patawarin niyo ako kung hindi ko mababanggit ang lahat ng iyon. Patawad din kung OPM ang hilig niyo dahil hindi na ako masyadong updated dun, sa totoo lang. Pakinggan niyo nalang ang Sirena by Gloc-9! Ayun lamang po. Sana ay natulungan ko kayo pumili ng mga kantang nais ninyong pakinggan. Salamat sa pagbasa ng blog na ito. Aalis na ako, pis awt repapips!!!