IV-7
Nobyembre 7, 2012
Nakuha mo na ba ang latest model at iOS ng iPhone
at iPad? O kaya naman ang latest version ng Windows? Sa mga nakaraan na taon, ito na ang palaging
pinagkakaguluhan ng mga tao dito sa Pinas. Pagkalabas ng bagong model ng
isang iPhone, bibilhin nila kaagad dahil iyon ang uso. Kahit na ang
pagbabago lang sa bagong bersyon ay ang kahabaan nito o ang kanipisan nito.
Pero, kahit na sa pisikal na aspeto iyon lang ang pagkakaiba, may iba paring
nabago sa mga ito, dahil ang bagong bersyon ay inayos ng mga taga-gawa ng
iPhone upang pabutihin pa ang produktong kanilang ginagawa. Hindi lang iyon
nangyayari sa mga telepono pero kahit sa mga kompyuter nangyayari iyon, ang
pinaka sikat na OS sa kompyuter ay ang Windows, ito ay nagsimula sa bersyon na
Windows 1.0, pero ngayon, meron nang Windows 8, kung ikokompara mo ang pinaka
unang bersyon sa bersyon ngayon, malaki ang pinagbago ng Windows.
Kung hindi man mga telepono o kompyuter,
mayroong galing sa mga pelikula ng Hollywood tulad ng Avatar, Transformers, The Avengers, Iron Man at iba pa. Ito ay pinagkakaguluhan ng mga tao sa buong mundo dahil kakaiba ang mga nilalaman ng ng pelikula, kumbaga, out of this world. At, hindi lang iyon, nakakaaliw din ito sa mga tao dahil sa mga visual effects na kanilang ginagamit. Tulad ng mga green screen kung saan pwede kang mag edit at maglagay ng mga special effects sa pelikula. Halos lahat ng mga pelikulang galing Hollywood ay mayroong mga special effects na tinatawag upang ipakita ang mga eksena na hindi mo makikita sa totoong buhay, futuristic o kunyari na sa labas ng planeta tulad ng Iron Sky kung saan nasa dark side of the moon ang mga Nazi. O kaya naman parang mga apocalypse tulad ng 2012 kung saan ipinakita ang katapusan ng mundo, may mga lindol, hurricane, mga nahuhulog na mga landmarks tulad ng Statue of Liberty sa The Day After Tomorrow.
Hindi lang sa mga pelikula o sa mga telepono at kompyuter umaangat ang teknolohiya, pati narin sa mga klase ng transportasyon at kung ano-ano pa. Kung dati sobrang bagal o sobrang low tech ng mga kotse dito sa Pinas, ngayon malaki na ang mga pinagbago! Ang iba sa mga kotse dito ay automatic, di lang sa pag mamaneho, kahit ang mga pintuan at mga bintana ay automatic. Ang mga bagong modelo ngayon ng mga kotse ay mas madaling gamitin at mas mabilis, pero hindi lahat ay nagtatagal. Marami ding mga kotse na kahit bago pa lang ay marami nang sira, kaya magastos din. Pero hindi lang naman sa mga kotse naka ikot ang mga transportasyon, meron ding mga eruplano na may mga telebisyon na nakalagay para sa mga malalayong mga biyahe. Sa mga super markets o mga mall dito at sa ibang bansa, halos lahat ng mga pintuan ay automatic na din, may mga sensor na ginagamit upang tignan kung may dadaan bang tao o wala. Mayroon ding mga airconditioners na ginagamit ng mga tao lalung-lalo na dito sa Pilipinas dahil mainit ang panahon. May isang ginawa ang mga tao sa Europa--ang Life Straw kung saan pwede kang uminom sa kahit anong parte ng tubig. Ang Life Straw ay nag fifilter ng tubig upang maging sigurado na malinis ang tubig na iinumin.
Ito siguro ang pinaka malaking ginawa ng mga tao dito sa ika-21 na siglo--ang internet. Dahil dito pwede ka nang makipag-usap sa mga minamahal mo kahit anong oras. Kung dati, kailangan mong gumamit ng telepono o text para lang makausap sila, ngayon mayroon nang mga social networking sites tulad ng Facebook, Skype, Friendster, Multiply at iba pa kung saan pwede kayong mag video-chat at mag-chat. Dahil din sa internet, pwede ka nang mag-hanap ng mga kailangan mo gamit ng mga search engines tulad ng Google, Bing, Yahoo! at iba pa. Hindi mo na kailangang maghanap ng impormasyon sa mga libro dahil nasa internet na lahat at updated pa.




No comments:
Post a Comment