IV-7
Nobyembre 7, 2012
Sa bawat lugar na ating napuntahan, may mga pangyayari na sadyang hindi natin malilimutan. Kahit ito man ay masaya o malungkot, minsan hindi natin maiwasan na balik-balikan. Sa pamamagitan ng mga litrato naaalala natin ang mga mahahalagang pangyayari sa ating buhay. Ngayon, hilig talaga ng mga tao ang kumuha ng mga litrato. Kadalasan, makikita natin ito sa mga iba't-ibang social networking sites. Ngunit alam mo ba na ang photography ay isa ring paraan upang maipahiwatig ang ating damdamin? May ibang tao na nailalabas ang kanilang saloobin sa pamamagitan ng pagkuha ng mga litrato. Ang pagkuha ng mga makukulay na bagay ay nangangahulugan ng kasiyahan habang ang pagkuha ng mga madidilim na lugar ay nangangahulugan na ang tao ay malungkot.
Ako ay isa sa mga tao na mas nailalabas ang aking saloobin sa pamamagitan ng pagkuha ng mga litrato. Bata pa lang ako at mahilig na ako sa photography. Sa tingin ko ay nakagisnan ko na ang paglabas ng aking damdamin sa paraang ito. Alam mo ba na ang litrato na may ferris wheel ay pinicturan ko? Sa paningin ng iba ay ito ay isang simpleng ferris wheel pero sa akin, hindi. Pag nakikita ko ito, naaalala ko ang mga masasayang pangyayari sa araw na iyon. Minsan pag may nararamdaman ako na hindi ko kayang sabihin, makikita mo ako na naglilitrato ng mga bagay-bagay. Sa ganitong paraan, mas naiintindihan ko ang aking nararamdaman at nakakahanap din ako ng katahimikan sa aking sarili.
Maraming tao -bata man o matanda ang sumasali sa iba't-ibang workshops upang madagdagan ang kanilang kaalaman sa photography. Sa tingin din nila na ang photography ay isang talento o hindi kaya isa lamang libangan. Nauuso na rin ngayon ang pagkakaroon ng mga exhibits at ang paggawa ng mga websites kung saan naipapamalas nila ang kanilang galing sa photography. Sina Richard Yulo at si Christoph grandt ay isa lamang sa mga Pilipino na may websites upang maipahiwatig sa iba ang kanilang kakayahan sa photography.
Lahat tayo ay may iba't-ibang paraan upang maipahiwatig ang ating sarili. Ang mga ibang paraan ay ang pagpinta, pagtugtog ng mga instumento, pagsulat ng istorya, tula at marami pang iba. May istorya ang bawat litrato na ating kinukuha. Ito ay hindi basta-basta lang mga simpleng litrato. Iba-iba rin ang ating perspektibo sa photography. Ang tingin ng iba ay isa lamang itong paraan ng pagpapahiwatig ng damdamin, isang libangan, isang talento o hindi kaya ito lamang ay nagsisilbing alaala sa mga mahahalagang pangyayari sa ating buhay. Gayunpaman, sadyang hindi mawawala sa atin ang mangolekta ng mga ito.




No comments:
Post a Comment