Sunday, November 4, 2012

Ang Karaniwang Maling Kuro Kuro

Wee Dee Valenzuela
IV-7     
Nobyembre 2, 2012

   “YOLO sa facebook, YOLO sa twitter, YOLO sa tumblr. JUSKO! Ano ba tong yolo yolo ng mga kabataan na kumakalat sa internet ngayon?!”—ang karaniwang tanong  ng aming mga nakakatanda. Mapa nanay, tatay, ate, kuya, lolo, lola, tito, tita. Ano nga ba ang YOLO? Mula sa mga Urban Dictionary ang katagang YOLO ay isang acronym ng “You Only Live Once.”  Sa panahon ngayon, hindi natin maipagkakait na ang kabataan ngayon ay mulat sa katotohanan ukol iba’t ibang aspeto ng buhay. Maraming nalululon sa iba’t ibang mga bisyo o kaya’y mga illegal na gawain na kung minsa’y isa sa mga rason sa pag angat ng bilang ng teenage pregnancy, drug overdose, at underage drinking. 

   Kataka taka na makakakita tayo ng isang larawan na nag “paparty” sa internet kung saan makikitang lasing na lasing ang mga kabataan, nagdrodroga o nagyoyosi at banda sa baba ng larawang ito makikita ang katagang “YOLO.” kung ating iisipin, nakakainis at nakakabwisit na ganoon na pala ang pananaw ng tao sa kahalagahan ng buhay. Na ang paglupasay sa kalasingan, pag ka high  sa droga o kaya’y ang walang tulugang pag party  ay isang pangyayari na maipagmamalaking karanasan sa buhay ng tao.

   Nakakalimutan natin  na ang mga karanasang karapat dapat na ituring “YOLO Moment” ay ang mga pangyayari sa buhay nating nakapagbibigay halaga at rason na sulitin at masulit ang buhay. Na pwede ring makapag bigay inspirasyon sa ibang tao na mamuhay ng tama at sulitin ang bawat oras ng buhay na ito.

  Ang bagong henerasyon raw ang bagong pag asa ng bayan. May bilang ng mga taong sumasangayon, ngunit dahil sa pagtaas ng bilang ng mga crime rates ng mga underage children may malaking bilang ng taong  hindi. Madalas tirahin ang mga kabataan kese hodang mga “Pariwara” , “walang mapupuntahan” o kaya’t “iba na ang mga kabataan ngayon, GRABE!” ngunit kung ating iisipin, nakakalimutan nila kung sino ang nagpalaki sa mga ito.

No comments:

Post a Comment