IV-7
Nobyembre 7, 2012
Ano ang paborito mong kanta? Kung ako ang tatanungin ay talagang mhihirapan ako sumagot. Sa panahon ngayon, ang dami-daming uri ng kanta at mahirap talgang pumili ng isang paborito lamang. Mayroong iba't ibang uri ng kanta katulad ng rock, pop, hip-hop, at marami pang iba.
Maraming mga sikat na singer o banda ngayong panahon. Katulad nalang ng One Direction na kinababaliwan ng maraming babae at syempre, kinababaliwan ko rin. Talaga naman napaka-gwapo ng mga nasa grupong ito na binubuo ni Harry Styles, Louis Tomlinson, Niall Horan, Zayn Malik at Liam Payne. Kung hindi niyo sila kilala, huwag niyo nang i-research at kilalanin pa dahil baka agawan niyo pa ako. Patawad talaga kung medyo may pagka-madamot ako, ayoko lang talaga ng mga feeling fan girls *tawa* biro lang po mga repapips. Pis awt!
Sa totoo lang ay gusto ko lang talaga ibigay ang isang talata para pag-usapan ang One Direction. Dahil diyan, ipagpapatuloy ko na ang talagang paksa ng aking blog. Maliban sa One Direction, marami pang ibang maaaring pakinggan katulad ni Justin Bieber, Ed Sheeran, Nicki Minaj, Lady Gaga, Katy Perry, Taylor Swift at wow ang dami talaga!!! Maaari niyo rin pakinggan ang mga banda tulad ng Maroon 5, The Script, Foster The People, MGMT, atbp. Ako naman ay may pagka-kakaiba pagdating sa banda dahil nakikinig din ako sa Nirvana, Incubus, Blink 182 at marami pa. Kapag sinasabi ko sa mga tao na sila ang pinapakinggan ko, parang hindi nila alam ang mga kantang tinutugtog ng mga bandang iyon at ako pa ang lumalabas na weirdo. Pambihira.
Marami pa talagang magagaling na pwede ninyong pakinggan pero patawarin niyo ako kung hindi ko mababanggit ang lahat ng iyon. Patawad din kung OPM ang hilig niyo dahil hindi na ako masyadong updated dun, sa totoo lang. Pakinggan niyo nalang ang Sirena by Gloc-9! Ayun lamang po. Sana ay natulungan ko kayo pumili ng mga kantang nais ninyong pakinggan. Salamat sa pagbasa ng blog na ito. Aalis na ako, pis awt repapips!!!



No comments:
Post a Comment