Monday, November 5, 2012

Ang Tamang Direksyon

Thea Ronee L. Quiambao
IV-7
Nobyembre 5, 2012



    Kilala mo ba si Justin Bieber? O di kaya si Taylor Swift? Coldplay? Super Junior? Isa sila sa mga sikat na mang aawit ngayong kabataan ko. Pwede silang magsilbing isang inspirasyon o idolo ng kanilang makikinig dahil sa kanilang mga inaawit. Pwede din ang mga kanta nila ay nagpapatama sa iyong kasalukuyang nararamdaman kagaya ng pagiging masaya o sawi. Ngunit ang pinaka paborito ko talaga ay ang, One Direction!


   Ang One Direction ay isang British-Irish boyband at sila ay binubuo ng limang miyembro, ito ay sina: Harry Styles, Niall Horan, Louis Tomlinson, Liam Payne at si Zayn Malik. Ang una nilang kantang, What Makes You Beautiful ang nagpasikat sa kanila at ito ay may kasalukuyang 272,792,641 na views sa youtube. Sila ang unang British-based na boyband na nag Top 1 sa American Billboard Charts sa kanta nilang, What Makes You Beautiful. Dahil sa record nila na ito ay natalo nila ang The Beatles


   Nagsimula ang kanilang pagsikat sa isang singing contest na tinatawag na, X-Factor. Pumasok sila bilang mga solo artists lamang ngunit sila ay natanggal. Nag desisyon ang hukom na ipagsama silang lima. Ngunit ang nakamit lamang nila ay ang ikatlong gantimpala ngunit dahil dito sumikat sila. Dalawang taon na ang nakakadaan meron na silang album, sold out na mga tours, mga napanalunan na awards at milyun-milyong mga taga-hanga sa buong mundo. Directioners ang tawag sa kanilang mga taga-hanga at naniniwala ako na isa ako sa mga iyon.

   Isa sa mga pangarap ko ay makita at makilala sila at malapit na itong matupad dahil pupunta sila dito sa susunod na taon dahil kinuwa sila ng Penshoppe para maging parte ng kanilang mga All-Stars na endorsers. Alam ko na patuloy tuloy ang pagdami ng kanilang mga taga-hanga dahil ang mga kanta nila ay patuloy na nagsisilbing inspirasyon sa mga tao. Marami akong ginagawa na ikinakasaya ko, ngunit ikakasaya ko talaga ang pagiging isang Directioner.

No comments:

Post a Comment