Isabella O. Gonzales
IV-7
Nobyembre 12, 2012
Kilala mo ba si Psy, ang Super Junior o di kaya ang Girls Generation? Ilan lamang sila sa mga sikat na artista ng Korea o di kaya 'ambassadors of Korean Pop & Hallyu'. Ang Hallyu o Korean Wave ay ang pagtaas ng popularidad ng South Korean entertainment at ng kultura nito sa iba't ibang bahagi ng mundo. Nagsimula ito sa Asya noong 1990s sa mga bansang Tsina at Hapon. at mula noon, tuloy-tuloy na rin ang paglaganap nito sa iba't ibang bahagi ng Asya at pati na rin nga buong mundo. Ngunit, paano nga ba ito sumikat sa ating bansa?
Nagsimula ang Hallyu Wave sa Pilipinas noong unang narinig ng mga Pinoy ang kanta ng Wonder Girls na 'Nobody' sa taong 2009. Sinasabi na ito ay isa sa mga kilalang-kila na kanta kasama na rin dito ang Sorry, Sorry ng Super Junior (2009) pati na rin ang kanta ni Psy na Gangnam Style (2012). Ang mga kantang ito ay nagkakaroon ng ilang pagkakatulad gaya ng ganda ng tunog, at ang kawili-wiling sayaw na kasabay nito. Maari mo rin sabihin na ito ang dahilan kung bakit ako'y naging isang fangirl ng K-Pop.
Isa sa mga hinahangaan na grupo ay ang Girls Generation ( 소녀시대 ) na mayroong siyam na miyembro. Sila ay sina Taeyeon, Jessica, Tiffany, Sunny, Yuri, Hyoyeon, Sooyoung, Yoona, at si Seohyun. Una silang lumbas sa industria noong 2007 sa kantang 'Into the New World', ngunit hindi ito ang nagpasikat sa grupo. Sumikat lamang sila pagkatapos ng dalawang tao sa kanilang mga kanta na Gee at Genie; mula noon, nakamit na nila ang titlo na 'Queens of Hallyu'. Ito ay dahil sa kanilang patuloy-tuloy na panalo sa mga Asyanong award show kagaya ng Mnet Asian Music Awards (MAMA), Golden Disk Awards, at Melon Music Awards.
Para sa'kin, sila na rin ang mga naging modelo ko bilang isang mangaawit at isang indibidual sa dahilan na sila ay mapagkumbaba pa rin sa kabila ng kanilang kantyagan. Hindi rin sila limitado sa kanilang ganda at galing sa pagpapalabas dahil sa mga variety show na kanilang mga sinalihan. Naipakita nila ang kanilang talino at katuhan sa mga ito at masasabi mo rin na sila'y beauty & brains. Sa mga palabas nito pinatunayan nila na talagang dapat sila'y aking hangaan. Ipinapahalagahaan nila ang oportunidad na sila'y isang mangaawit at gamit ito nagbibigay sila nga kamalayan sa importansya ng iba't ibang bagay sa buhay. Ilan dito ang pag-aaral, ang pagayos ng sarili at ang pakakaroon ng tiwala sa sarili at sa kanilang kakayahan bilang isang indibidual.
Naniniwala ako na sa mga susunod na taon ay mas lalong makilkila ang galing ng Girls Generation at mas mapapatuwa nila ang kanilang mga Sone ( fan name ). Sila ay patuloy na mabibigay ng insipirasyon at lakas para sa mga magiging tagapaghanga nila. Sana ay patuloy nila akong mapamangha sa kanilang galing at katauhan dahil hindi ko man malilimutan ang mga magagandang bagay na nagawa nila para sa'kin. Hindi ko rin malilimutan ang pagiging Sone ko.






























